Jun 21, 2011

Maulan. umuulan, paulan-ulan.

Umuulan. Pabugso-bugso ang ulan. Umuwi ako sa aming tahanan na basa ng ulan. May dala akong payong ngunit tila nabasa padin ako. Nakapagtataka. Kailangan ko na yatang palitan ang aking payong.

Wala akong klase sa nakaraang tatlong araw, dahil nuong lunes(kahapon) ay ipinagdiwang ang ika-isang daan at limampung taon ni Jose P. Rizal. Mahaba-haba din ang aking pahinga, at eto nanaman wala ako klase bukas, ang sarap lang ng buhay ko bilang isang estudyante. Mabuti narin saagkat makakagawa ako ng aking mga takdang aralin at magbabalik aral na din ako. Hindi ko nagustuhan ang resulta ng aming unang pagsusulit kanina sa Law on obligations and Contracts. Sa kasamaang palad hindi ako nakuha ng mataas na iskor, inaamin ko naman, hindi ko alam na magkakaroon kami ng maikling pagsusulit kaya hindi ko ito napaghandaan. Makakalimutin na talaga ako. Hindi bali na, babawi nalang ako sa sususunod.

Kaarawan kahapon ng aking kaibigan, binigyan namin siya ng munting regalo kanina ng aking mtalik na kaibigan, isinabay nadin namin bigyan ng regalo ang isa pa naming kaibigan na nagdiwang ng kanyang kaarawan nuong nakaraang lingo. Nawa'y napasaya namin sila sa aming munting handog. Inilibre nya nga pala kami sa KFC kanina.

Inuubo ako ngayon gawa ng usok ng tambutso ng dyip sa kalsada, lalo na kaning umaga pagpasok ko. Hindi ko talaga gusto ang amoy, ang sakit sa dibdib, hindi ako makahinga. Nahirapan pa kami sumakay dahil matumal, at karamihan ay wala ng bakante na upuan kaya nag  round trip  nalang kami ng aking matalik na kaibigan (Sabay nga pala kami pumasok dahil saamin sya natulog kagabi). Na-trapik pa kmi papunta ng eskwelahan, hindi namin mawari kung bakit. Marahil gawa ng ulan. Pero bakit nga ba? Mabuti nalang at hindi kami nahuli sa aming klase.

Nakakalungkot isipin na mapapalitan ang aming propesor sa Financial Accounting2 . Masaya na sana kami sakanya, pero magulo talga ang sistema ng aming paaralan, tila paiba-iba. 'Wag lang sana ipalit ang propesor ko nuong nakaraang  semester.  Pero ang napalitan naming propesor sa FinAct2 ay magiging propesor naman namin sa IMAC  kaya mabuti narin iyon. Sadyang magulo lang talaga ag sistema.

Naiinis ako sa aking sarili kanina, magpapa-print  sana ako ng mga litrato na inutos saakin ng ate ko kaya nagpasama ako saaking kaibigan sa  shop . Ibinigay ko sa nagoopereyt ang aking  Flash Drive  na hiniram ko sa matalik kong kaibigan. Dahil sa katangahan ko, hindi ako nakapag pa-print, hindi ko pala nai-save  sa Flash Drive  ang litrato. Pag-uwi ko tinawagan ko agad ang aking kapatid at nagdahilan nalang ako. Aba! magaling yata ako magpalusot.

Gusto ko matulog ng maaga ngayong gabi. Sana makatulog ako. Sadyang nakakapagod na araw.
Masyado na itong mahaba. Paumanhin at salamat sa pagbabasa.

No comments:

Post a Comment

a huge thanks for your comment ---LEMY♥ ☺