Jul 30, 2012
Pagbabalik-tanaw: Pagligo sa Ulan
Na-inspire ako isulat ito pagkabasa ko ng post ni Marcelo Santos III sa kanyang Webiste na pinamagatan nyang Masarap Maligo sa Ulan . Bigla ko nanaman naalala ang mga panahon ng aking kabataan (ganyan na ako katanda) biro lamang :). Tag-ulan kasi ngayon sa Pilipinas, sa ganitong panahaon, masarap mag balik-tanaw, mag-emote, kumain, at humilata.
Ang pagbabalik-tanaw ni Lemy.
Masarap talaga maligo sa ulan. Naalala ko nuong bata ako, pag bumuhos na ang malakas na ulan, nagpapaalam na ako sa aking mommy na kung pwede maligo ako sa ulan, at pinpayagan naman nya ako agad. Tuwang-tuwa naman ako habang naliligo sa ulan, pakiramdam ko nuon ang laki-laki ng banyo namin, isang buong kalsada. Naglalaro pa kami nun ng mga kalaro ko habang naliligo, nagtatakbuhan, at naghahanap kmi ng alulod at tatapat kami dun, hindi pa namin iniisip nun na madumi yun o anuman, basta ang importante nageenjoy kami. Ang nakakatuwa pa nun, nagsha-shampoo din ako habang naliligo sa ulan. Instant ligo talaga :) Kaya pag matagal ang malakas na ulan tuwang tuwang ako, kasi matagal din ako nakakaligo, at pag tumila na o humina na ang ulan, papasok na ako sa bahay at dun ko na itutuloy ang aking pagligo, baka daw kasi magkasakit ako pag hindi ako nagbanlaw sa banyo namin.
Laking pasasalamat ko ngayon dahil ang daming masasasayang karanasan nung bata pa ako, lahat ata ng laro, naging uso, nalipasan na ng panahon ngayon, ay naranasan ko. Batang kalye kasi talaga ako nuon, feeling ko ngayon ang swerte ko nung kabataan ko, kasi talagang naenjoy ko. Salamat nadin sa aking magulang dahil hinayaan nila ako iexplore ang aking kabataan, at pinaranas saakin kung gaano kasarap maging bata.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
a huge thanks for your comment ---LEMY♥ ☺