Kaninang umaga pagpasok ko, nkasabay ko sa jeep yung classmate ko nung highschool, nagkwentuhan lang kame, ang ingay nga namin sa jeep, parehas kame taga FEU... Tapos paguwi ko naman nakasabay ko sa jeep ung ex-bestfriend ko nung gradeschool ako, at schoolmate ko nung highschool. Tahimik lang kame, konting kwentuhan. Binati pa nya yung buhok ko ang haba daw sabi ko nagpagupit na nga ako mas mahaba dati.
Ang weird lang kasi sa dami-dami ng jeep, nakasabay ko pa sila, sa parehas na araw pa. Bakit kaya?? siguro nagkataon lang. Hindi ito issue. Nagtaka lamang ako.
Kanina nag exam kame sa Statistic, at ako ung unang nagpasa ng test paper. Ako ung unang natapos. Nagtaka ako kasi bakit ang bilis ko, tiningnan ko ung mga classmate ko hindi pa sila tapos, nahihiya pa nga ako magpasa nung una kasi baka sabihin ang ano ko. Pero pinasa ko na, mga after 1 -15mns may nagpasa na, ayun sunod-sunod na sila.
Kinabahan ako, na curious ako kasi ang bilis ko natapos, sila ang tagal, baka madami ako mali o may mga hindi nasagutan. Pero bago kame palabasin, sinabi ng propesor ko 3 lang daw ang mali ko. Syempre natuwa ako na nagulat, hindi ko yun inaasahan. Nakahinga na ako ng maluwag. :).
No comments:
Post a Comment
a huge thanks for your comment ---LEMY♥ ☺